Pro-Duterte rally sa Davao, ginanap; lechon baka, inihandog ni VP sa mga raliyista | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Aabot sa 7,500 na pro-Duterte ang dumalo sa rally sa Davao City kahapon, Linggo.

Panawagan ng mga nag-raliyista, nais na nilang tuldukan ang nangyayaring korapsyon sa Marcos administration at pauwiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.

Habang, agaw-pansin rin kahapon ang inihandang crocodile lechon sa Davao na inihahanda bilang pagkain ng mga dadalo sa “Pray for the Philippines” rally.

Nagpaabot rin si VP Sara Duterte ng isang daang lechon baka bilang “alay sa kalangitan” para sa paglilinis ng espiritu ng bansa.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Senator Bato Dela Rosa at Bong Go na kilala na isa sa mga solid supporters ng pamilya Duterte.

ADVERTISEMENT

Samantala, ayon kay Davao City Police Office acting director Police Col. Mannan Caracas Muarip, generally peaceful ang ginanap na rally.

Wala rin umanong naitalang sugatan sa ginanap na rally ng mga pro-Duterte.