
Matagumpay na isinagawa ng PRO CALABARZON ang Nationwide LAB Virus Program and Medical Mission sa Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, na may temang โServing Those Who Serve: Kalusugan para sa Kapulisan ng CALABARZON.โ
Layon ng aktibidad na tugunan ang medikal na pangangailangan at itaguyod ang kapakanan ng mga pulis sa rehiyon.
Ilan sa mga serbisyong ibinigay nang libre ay medical check-up, blood testing, dental, optical services, pagbabakuna, at mental health counseling.
Sa tulong ng Regional Medical and Dental Unit 4A, medical volunteers, at mga partner na pribadong institusyon, naisakatuparan ang nasabing aktibidad katuwang ang PNP OLC Foundation Inc.
ADVERTISEMENT
Habang tampok din ang breast cancer awareness lecture para sa mga kababaihan.
Samantala, may kabuuang 80 pulis ang lumahok, kabilang ang 15 critically ill personnel na tumanggap ng Php 30,000 financial assistance at grocery package mula sa pamunuan ng PRO 4A.



