PrimeWater, rerepasuhin ang kanilang operasyon | News Light

📅 July 3, 2025 10:04 AM PHT  |  ✏️ Updated July 3, 2025 01:42 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Bukas sa anumang gabay at rekomendasyon ang water service provider na PrimeWater Infrastructure Corp. sa gitna ng pagrepaso sa kanilang operasyon dulot ng maraming reklamo mula sa mga consumer nito.

Sinabi ito ng PrimeWater matapos matanggap ng Palasyo ang ulat ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na nagsagawa ng pagsusuri sa joint venture agreement ng PrimeWater at iba’t ibang water district.

Iginagalang umano ng PrimeWater ang prosesong isinagawa ng LWUA at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga stakeholders at tiniyak na tutuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng joint venture framework. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)