Isinulong ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun na imbestigahan na ng Kamara ang joint venture ng Primewater at mga local water districts dahil sa patuloy na reklamo ng publiko dahil sa umano’y mahinang serbisyo.
Mahigit 40 mambabatas na rin ang sumuporta sa resolusyon para imbestigahan ang umano’y aberya at kapalpakan ng Primewater kabilang na ang tagal ng walang tubig, mahinang presyon, at hindi natupad na infrastructure projects.
Habang iginiit ni Khonghun na hindi ito politika dahil damang-dama ng mga tao ang problema sa tubig.
Posible namang makansela ang prangkisa ng Primewater kapag napatunayang may pagkukulang talaga ito.