Price freeze, ipinatupad sa Eastern Visayas kasunod ng idineklarang state of calamity

📅 June 17, 2025 12:07 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 06:26 PM PHT
👤 Billy Torres  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Ipinatupad ng Department of Trade and Industry ang price freeze sa Eastern Visayas matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of calamity sa loob ng isang taon.

Layunin nito na pabilisin ang repair at rehabilitation ng San Juanico bridge at maibsan ang epekto ng pagsasara nito sa ekonomiya.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, kumikilos sila para mapanatili ang presyo at protektahan ang mga konsyumer, at walang maiwan sa panahon ng pagsubok.

Matatandaang ang 2.16-kilometer na San Juanico bridge ang nag-uugnay sa Samar at Leyte at bahagi ng Pan-Philippine highway.

Ilang negosyo na ang nalugi ng hanggang 30% matapos isara ang tulay para sa mga heavy vehicles.

Tiniyak ng DTI na stable pa ang presyo at sapat ang supply sa rehiyon sa kabila ng mga delay sa stock replenishment.