Presyo ng tinapay, posibleng gumalaw sa mga susunod na buwan ayon sa Asosasyon ng Panaderong Pilipino

📅  |  ✏️ Updated

Tiniyak ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino na nananatiling stable ang presyo ng mga tinapay sa kasalukuyan kasabay ng pagdiriwang ng World Bread day ngayong Huwebes.

Maraming panaderya ang nagbenta ng pandesal sa halagang piso bilang bahagi ng selebrasyon.

gayunpaman, aminado ang grupo na posibleng tumaas ang presyo ng mga special bread tulad ng ensaymada at cheese rolls kung tataas ang presyo ng butter at iba pang sangkap.

Ayon kay Chito Chavez, pangulo ng asosasyon siguradong may epekto sa presyo ng tinapay kapag tumaas ang presyo ng asukal, mantekilya at itlog.

ADVERTISEMENT

Pero tiniyak ni Chavez na na hindi binabawasan ang kalidad ng tinapay sa mga panaderya at nananatiling standard ang loaf size at formulation sa paggawa.