Kritikal ang kalagayan ni Colombian senator at presidential candidate Miguel Uribe matapos siyang barilin ng tatlong beses habang nagsasalita sa isang campaign event sa Bogotá nitong Sabado.
Kinumpirma ng Santa Fe Clinic na isinailalim si Uribe sa neurosurgical at peripheral vascular procedures matapos siyang i-airlift sa ospital.
Ayon sa kanyang asawa, kasalukuyang kritikal ang lagay ni Uribe.
Ayon kay Colombian Police Director Carlos Fernando Triana, sugatan din ang hinihinalang 15-anyos na suspek at kasalukuyang ginagamot.
Nakumpiska rin sa lugar ng insidente ang isang Glock-style na baril.