Presence Driven band, wagi sa kauna-unahang Worship Festival Original Worship Song Competition | News Light

📅

Nagwagi bilang grand champion ang Presence Driven, mula Zion Point Church, sa ginanap na Worship Festival Original Worship Song Competition.

Ang kanilang awit, na “Holy Spirit Reign,” ay nagdala ng malakas na presensya ng Panginoon sa buong kompetisyon.

Hindi lamang ito isang ordinaryong awitin, kundi isang himig na nagpaparamdam ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Ang awiting ito ay hindi nabuo sa isang iglap, kundi resulta ng isang kahanga-hangang “God’s timing” na nagpapatunay na ang plano ng Diyos ay laging perpekto.

Ayon kay Pastor Romeo Del Monte, ang Panginoon na mismo ang nagbigay sa kanya ng unang melody ng “Holy Spirit Reign” noong 1998. Gayunpaman, hindi niya ito natapos noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT

Pagkalipas ng dalawang dekada, 2018 na, ang kanyang anak na si Hannah Faye Del Monte ay sumulat din ng isang kanta na may verse ngunit walang chorus.

Doon naman nag-tugma ang kanilang mga sinulat na kanta at nabuong “Holy Spirit Reign.”

Isang taos-pusong pagbati sa Presence Driven sa inyong kamangha-manghang tagumpay! (Benedict Quejado/News Light)