Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang buwang suspensyon ng nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA upang muling pag-aralan ang mas mabilis at mas epektibong paraan ng pagpapatupad ng proyekto.
Ang rehabilitasyon ay orihinal na nakatakdang simulan sa Hunyo 13.
Ayon sa Pangulo, may mga teknolohiyang hindi naisama sa orihinal na plano na maaaring makatulong upang mapabilis ang proyekto at mabawasan ang abala sa publiko.
Giit ng Pangulo, masyadong mabigat ang dalawang taong konstruksyon lalo na’t araw-araw ay daang libong motorista at pasahero ang dumadaan sa EDSA.
Matatandaang nauna nang naglatag ang pamahalaan ng traffic mitigation plans tulad ng odd-even scheme at libreng pasada sa ilang bahagi ng Skyway Stage 3.