Preliminary investigation ng DoJ VS Sen. Mark Villar ukol sa flood control scandal, umarangkada na

📅

Umarangkada na ngayong Miyerkoles, October 1, ang paunang imbestigasyon ng Department of Justice kay Sen. Mark Villar kaugnay sa P18 billion na halaga ng infrastructure contracts na pinirmahan ng kaniyang pinsan sa pamahalaan.

Sa gitna ‘yan ng nagpapatuloy na case-build-up kaugnay sa flood control scandal na kinasasangkutan ng ilang mga mambabatas, kontratista at opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ayon kay Justice chief Crispin Remulla, isinailalim sa imbestigasyon ang senador hindi bilang mambabatas kundi bilang dating kalihim ng DPWH sa ilalim ng nagdaang Duterte administration.

Kabilang sa mga iimbestigahang proyekto ay ang flood control projects ipinatayong mga gusali, kalsada at iba pa.

Siniguro rin ng kalihim na iimbestigahan rin maging ang ina ni Mark na si former Sen. Cynthia Villar at ang kapatid na si Sen. Camille Villar.

ADVERTISEMENT

Bumalik din para sa pagpapatuloy ng case build-up sa tanggapan ng DoJ sa Maynila ngayong Miyerkules si Public works Usec. Roberto Bernardo, bilang parte ng imbestigasyon ng Indendent Commission on Infrastructure at Ombudsman.

Wala pang tugon ang pamilya Villar ukol dito.