PPCRV: Eleksyon 2025, mas payapa kumpara sa mga nakalipas na halalan

๐Ÿ“… May 14, 2025 01:35 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 14, 2025 01:35 PM PHT
๐Ÿ‘ค Newslight  |  ๐Ÿ“‚ Bantay Boto 2025, Latest News, News Light

Naging payapa ang Eleksyon 2025 kumpara sa mga nakaraang botohan, ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Base sa mga tala, nasa 82 ang bilang ng mga insidente na may kinalaman sa eleksyon.

Ayon sa PNP, mula nang magsimula ang election period nitong January 12, umaabot sa 46 ang validated election-related crimes.

Habang sa mismong araw ng halalan, 27 election-related incidents pa ang naitala.

16 naman ang nasawi dahil sa election-related violence.

Wala namang naitalang failure of election sa alinmang panig ng bansa.