PPA, naglatag ng preemptive measures sa mga pantalan bunsod ng paparating na Bagyong Wilma | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Naglatag ng preemptive measures ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pantalan bunsod ng paparating na bagyong Wilma.

Naglabas ito ng mga kanseladong biyahe sa kanilang social media page, partikular sa Eastern Leyte o Samar, Western Leyte o Biliran, Misamis Occidental sa Ozamiz, pati na rin sa Surigao at sa Bohol.

Ayon sa PPA, hindi sila nagkakansela ng mga biyahe ngunit sumusunod lamang sila sa no sail policy ng Philippine Coast Guard kung saan agad nakakansela ang mga biyahe kapag naglabas sila ng ganitong rekomendasyon bunsod ng umiiral na panganib sa karagatan. (Austin Gonzaga/News Light)