Power bank, sumabog sa Roxas Airport security checkpoint

📅 June 25, 2025 12:42 PM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 02:08 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Featured, Latest News

Sa mga nagta-travel po diyan, ingat ingat po sa mga dala niyong powerbank.

Sumabog kasi ang isang power bank sa security screening ng roxas airport sa capiz martes ng umaga.

Kinumpirma po yan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.

Ayon sa ulat, na-detect ng airport security ang 72 thousand milli-ampere hour na power bank sa bagaheng bitbit ng isang pasaherong bibyahe sana pa-Manila.

Lumagpas ito sa 160-watt-hour limit na itinakda sa mga power bank sa eroplano.

Sa gitna ng pakikipag-usap ng pasahero para isuko ito sa kasama sa labas biglang nagsimula ang sunog at pagsabog sa inspection table.

Agad namang umaksyon ang airport at office of transport security personnel.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Muli namang iginiit ng ahensya na mahalaga ang mahigpit na pagsunod sa aviation safety rules lalo na sa mga lithium-ion devices.