Walang naitatalang insidente ng looting o panloloob sa mga lugar sa Cebu province matapos ang pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol kahapon.
Ayon kay PNP chief Plt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nakikiisa ang mga pulis ng Central Visayas Provincial Police Office sa rescue at relief operations kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno at mga local government units.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy ang hamon ng pagliligtas partikular sa mga liblib at secluded na lugar gaya ng bantayan island dahil sarado ang daan patungong bantayan kaya gumagamit ng water assets ang mga otoridad.



