Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) na may kumausap sa ahensiya para sa pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Lt. General Jose Nartatez Jr., walang kahit na sinong indibidwal, opisyal o dating pulis na lumapit sa kanya o sa kanyang mga tauhan para sa naturang aksyon.
Paniniguro naman ng heneral, kung mayroon man, kakausapin niya ang mga ito na huwag nang ituloy at tatanungin kung ano ang kanilang basehan.
Hindi na rin umano kailangan pa ng loyalty check sa kanyang mga tauhan dahil nananatiling mataas ang morale ng PNP sa buong bansa.
ADVERTISEMENT
Lampas kalahati naman ang nakuha ni Pangulong Marcos Jr. sa halalan kaya wala ring dahilan para pababain ito. (Denniel Salayo/ News Light)



