PNP, nagpakawala na ng mga intelligence at tracker vs. Sarah Discaya at iba pang sangkot sa ‘ghost’ flood control projects | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nag-dispatya na ang Philippine National Police (PNP) ng mga intelligence at tracker teams para kay Sarah Discaya at iba pang sangkot sa maanomalyaong flood control project sa Davao Occidental.

Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez, nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa iba pang ahensya para maibigay ang warrant of arrest sa mga dawit sa eskandalo.

Bukod sa pangangalap ng impormasyon sa posibleng pinagtataguan ng mga ito, alerto na rin umano ang mga lokal na watchgroups sa pagmo-monitor at pagre-report ng makukuhang detalye.

Maaalala na noong Biyernes, nagsampa na ng kasong graft and malversation ang Office of the Ombudsman laban kay Discaya, mga public works officials, at iba pa dahil sa halagang ₱96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental, matapos ang anunsyo ni President Bongbong Marcos sa pagkaka-aresto ng mga nabanggit. (Denniel Salayo/News Light)