PNP, nagbabala hinggil sa pekeng videos ukol sa Bagyong Uwan | News Light

📅 November 11, 2025 11:30 AM PHT

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng larawan o video ng pinsala ng super typhoon Uwan.

Ayon kay acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., maging mapanuri sa mga hindi beripikadong video online na maaaring magdala ng takot o pangamba sa publiko.

Aniya, hindi lahat ng nakikita online ay totoo, at nagbabala ito na ang pagkakalat ng pekeng balita ay maaari ring panagutin sa ilalim ng batas.

ADVERTISEMENT

Hinikayat ni Nartatez ang publiko na ibahagi lamang ang mga naberipikang impormasyon gaya ng infographics o opisyal na pahayag mula sa lokal na pamahalaan o komunidad.

Humagupit ang super typhoon Uwan noong weekend at nag-iwan ng pinsala sa malaking bahagi ng Luzon.