PNP itinangging kinuha ang isang fitness vlogger at influencer para sa kanilang weight loss program

📅 June 24, 2025 12:09 PM PHT  |  ✏️ Updated June 24, 2025 12:09 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z

Itinanggi ng Philippine National Police na kinuha nito ang serbisyo ng isang fitness influencer at vlogger para pamunuan ang weight loss program ng pulisya.

Pero iginiit ng pulisya na seryoso ang mandato ng PNP chief para sa pagbabawas ng timbang ng mga overweight na kawan dahil posible itong ikatanggal sa serbisyo.