PNP-IAS, hinihintay si ‘Alias Totoy’ na maghain ng kaso VS sa mga pulis na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero

📅 July 2, 2025 12:08 PM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 12:08 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Latest News, Balitang A2Z

Hinihintay ng PNP-Internal Affairs Service ang pormal na affidavit ni alias “Totoy” bago imbestigahan ang iba pang pulis na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero na nawala mula 2021 hanggang 2022.

Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, nagbigay ng mga bagong pangalan si Totoy pero walang pormal na dokumento kaya hindi pa makagalaw ang administratibong imbestigasyon.

Nauna nang na-dismiss sa serbisyo ang pitong pulis noong 2023 pero tatlo lang sa tatlumpu’t apat na biktima ang kinaugnayan nila.

Umamin naman si Totoy na aabot sa dalawampung pulis ang sangkot sa pag-kidnap ng mga sabungero na pinaniniwalaang konektado sa isyu ng dayaan sa mga laro.