Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagamit umano sa promosyon ng online trading platform.
Ayon kay PNP-ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang, kinausap na nila ang Facebook para tanggalin ang video habang sinisiguro rin na nakapreserba ang digital evidence para sa kasong isasampa.
Dagdag niya, may mga kaso na ring ihahain sa iba pang high profile victims tulad ng mga negosyante lalo’t karamihan sa mga deepfake video ay ginagamit umano sa mga scam.
Tuloy-tuloy naman ang case build-up kontra sa nasa likod ng umano’y panloloko.