Pasok na sa kauna-unahang pagkakataon sa PVL finals ang PLDT High Speed Hitters matapos talunin ang Creamline Cool Smashers sa semifinals ng PVL on Tour sa scores na 27-25, 22-25, 19-25, 25-16, 15-10 nitong Martes sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Bida si Savi Davison sa deciding set matapos magtala ng walong puntos mula sa kabuuang 34 points, kabilang ang game-winning kill na nagdala sa PLDT sa panalo.
Bukod sa opensa, nag-ambag din si Davison ng siyam na excellent digs at siyam na excellent receptions para sa all-around performance.
Nakapag-ambag din si Kim Kianna Dy ng 14 puntos at si team captain Kath Arado ng 16 excellent digs at 23 excellent receptions.
ADVERTISEMENT
Samantala, ito ang unang pagkakataon mula 2022 na hindi nakapasok sa finals ang Cool Smashers, kahit pa nanguna si Jema Galanza sa kanila sa 20 puntos, sinundan ni Alyssa Valdez na may 18 at Michele Gumabao na may 16 puntos.



