Nagpatuloy ang winning streak ng PLDT High Speed Hitters matapos talunin ang Zus Coffee Thunderbelles sa kanilang Premier Volleyball League (PVL) Invitational match nitong Huwebes sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Matapos matalo sa unang set, bumawi ang koponan ni Coach Rald Ricafort at nagtala ng apat na set na panalo sa scores na 24-26, 25-17, 25-17, 25-14.
Umabot na sa 12 sunod na panalo ang nakuha ng koponan at itinuturing itong isang franchise-best record.
Sa ngayon, naghihintay ang High Speed Hitters sa magwawagi sa knockout match sa pagitan ng Kobe Shinwa University at Chery Tiggo Crossovers.



