Lumpia Queen is Food Influencer of the Year!
Nakamit lang naman kasi ni Filipina vlogger and influencer, Abi Marquez, ang Food Creator of the Year sa katatapos lamang na World Influencers and Bloggers Awards o WIBA 2025.
Ginanap ang ika-pitong WIBA Awards sa Cannes Film Festival kung saan kinikilala ang mga social media personalities at ang kanilang impact sa iba’t ibang larangan.
Sa post ni Abi Marquez, hindi aniya siya makapaniwala na sa unang pagkakataon niya sa Europa ay nagkamit pa siya ng prestihiyosong parangal kasama ang kanyang team.
Lubos ang pasasalamat niya sa kanyang followers at sa mga sumuporta sa kanyang mga content simula pa noong una.
ADVERTISEMENT
Kilala si Abi Marquez sa pagpapakilala ng Filipino food sa international scene sa social media.
Naka-collab niya na ang mga celebrity chef gaya na lamang ng Mythical Kitchen at Gordon Ramsay.



