Pinoy students, pinarangalan para sa kanilang AI-based waste tracking app | News Light

📅 July 4, 2025 01:22 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 03:17 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 Good News, Good Vibes, Featured, Latest News, News Light

Problema mo ba ang maraming basura sa paligid at ang nakakalitong mga paraan ng pagtapon nito?

May solusyon diyan ang grupo ng mga Pinoy students—at dahil sa app na ito, sila ay nag-uwi pa ng karangalan!

Nakuha ng mga estudyante mula sa Holy Angel University ang People’s Choice Awards sa 2025 APAC Solution Challenge para sa kanilang waste management tracking system o ang tinatawag nilang Trash Trackr.

Sina Josh Gorospe, Joaquin Galang, Eisha Janel Tablante Alva, at Angelica Mae Tadique ay nagwagi ng 1,000 dollars para sa kanilang portfolio.

Sa kanilang AI-based app, malalaman ang tamang pagtatapon ng iba’t ibang klase ng basura, at tuturuan pa ang gumagamit nito ng tamang eco habits para makatulong sa kalikasan!

Tunay ngang nakakamangha ang inisyatibo ng mga mag-aaral na ito!

Pagbati para sa inyong lahat!