Magna cum laude with highest honors!
Iyan ang parangal na natanggap ng isang Filipino student sa Harvard University.
Si Eion Nikolai Chua ay nagtapos at nakatanggap ng kanyang double degree sa Chemistry and Economics, kalakip ang master’s degree sa Chemistry at Chemical Biology.
Sa loob lamang ng apat na taon, natapos ni Chua ang kanyang pag-aaral kasabay ng libu-libong estudyante ng Harvard University.
Lubos na ikinatuwa ni Eion Nikolai ang natanggap na parangal.
Matapos ang pag-aaral sa Harvard, plano ni Chua na magpahinga muna sa Pilipinas at palalimin ang kaalaman sa chemistry industry ng bansa bago bumalik sa Amerika.
ADVERTISEMENT
Plano rin niyang magtayo ng negosyo sa Pilipinas na makatutulong sa mga Pilipino, partikular sa mga magsasaka.
Maliban dito, bahagi rin siya ng Harvard Pops Orchestra kung saan siya ay tumutugtog ng piano.
Kaya maging ang kanyang pamilya ay nagpahayag ng matinding pagkaproud at pagkilala sa kabutihan at biyaya ng Diyos sa buhay ni Eion.



