Pinoy MMA star Mark ‘Mugen’ Striegl, trending sa kanyang ‘jeepney grip’ | News Light

📅 November 11, 2025 12:26 PM PHT

Trending ngayon ang Pinoy athletes na lumahok sa ongoing sports reality series sa Netflix na Physical Asia.

Una nang nag-trending ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao matapos ang kanyang pang malakasang arrival sa naturang kompetisyon, na umani ng respeto mula sa kalabang teams mula sa ibang bansa.

Pero matapos ang survival round ng Team Philippines, nagpaalam nang maaga sa show si Pacquiao dahil sa kanyang prior commitments.

But nothing to worry dahil ang sinasabing kamukha ni Pacman at MMA star na si Mark Mugen Striegl naman ang bumuhat sa koponan.

ADVERTISEMENT

Napahanga nga ang fans dahil sa performance ni Mugen sa isang challenge na binansagan ng netizens na “Jeepney Grip.” Animo’y praktisado raw si Mugen sa pagsabit sa jeepney dahilan upang makatagal ng mahigit dalawang oras sa naturang challenge.

Aliw din sa netizens ang isang miyembro ng kalabang team Thailand, na hindi napigilang mapawow sa ating pambatong si Mugen.

Todo-abang naman ang viewers sa susunod na kabanata ng reality show para malaman kung pasok pa sa susunod na round ang Team Philippines.

Best of luck, Team PH!