Nasungkit ng Pinoy pop sensation na BINI ang dalawang parangal sa BreakTudo Awards 2025 sa Sao Paulo, Brazil.
Tinanghal ang nation’s girl group bilang International Female Group, habang ang kanilang hit collab na “Blink Twice” kasama ang Mexican singer-actress na si Belinda ay nagwagi bilang International Collaboration of the Year.
Isa itong malaking milestone para sa BINI at patunay ng patuloy nilang pag-angat sa global music scene.
ADVERTISEMENT
Matatandaang noong nakaraang taon ay nakuha nila ang International Breakthrough Artist, at ngayon ay mas pinatunayan nilang world-class ang kanilang talento.
Samantala, nakamit din ng BGYO ang International Rising Artist, habang nabigo namang makuha ng SB19 ang International Male Group na napunta sa ENHYPEN.
Congratulations, BINI and BGYO!




