Pinay OFW, nasawi sa sunog sa Tai Po, Hong Kong; isa pa kritikal matapos iligtas ang alaga at amo | News Light

📅

Nasawi ang isang Pinay overseas Filipino worker sa malaking sunog sa Hong Kong, ayon sa Philippine Consulate General.

Kabilang ang Pinay na si Maryan Pascual Esteban sa 146 na kabuuang bilang ng nasawi sa sunog sa Wang Fuk Court sa Tai Po noong Miyerkules.

Personal na bumisita at nakiramay sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator PY Caunan sa naulilang pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT

Nangako ang mga opisyal na mapauwi agad sa Pilipinas ang labi ng biktima at tutulungan ang pamilya sa proseso nito.

Samantala, kritikal ang kondisyon ng isa pang Pinay OFW matapos niyang iligtas ang inaalagawang tatlong buwang sanggol at ang amo nito.

Ayon sa OWWA, niyakap ng Pinay domestic worker na si Rhodora Alcaraz ang sanggol upang mailigtas mula sa sunog.

ADVERTISEMENT

Binisita ng mga opisyal ng bansa si Alcaraz sa ospital at pinuntahan na rin ng OWWA ang pamilya nito sa Pilipinas upang matulungan sa kanilang pangangailangan.

Hinangaan si Alcaraz ng mga kapwa niya Pilipino sa Hong Kong at tinaguriang modern-day hero para sa kanyang malasakit.

Humingi naman ng panalangin ang OWWA para sa mabilis na paggaling ng Pinay.

ADVERTISEMENT