Muling inaresto ng pulisya sa Canada ang Filipina immigrant na si Romana Didulo na kilala bilang “Queen of Canada.”
Nasakote si didulo noong September 4 at labinlimang kasamahan nito matapos ang police raid sa kanilang compound sa Richmound, Saskatchewan.
Nakalaya sila nang walang kaso pero muling dinakip si didulo dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanyang pagkakapalaya.
Nakapagpiyansa si didulo noong September 8 pero inutusan na manatili siya hanggang sa kanyang paglilitis sa September 17.
ADVERTISEMENT
Sumikat si Didulo sa Qanon movement dahil sa pagkalat ng mga conspiracy theories.



