Pinakamalaking Rooftop Solar PV System sa commercial building sa bansa, inilunsad sa sikat at kilalang mall sa Fairview, Quezon City

📅  |  ✏️ Updated

Bilang bahagi ng kontribusyon sa environmental sustainability and corporate resilience ng isang malaki at kilalang mall sa Fairview, Quezon City, inilunsad nila noong July 24 ang pinakamalaking rooftop solar photovoltaic system sa isang commercial building.

Mayroong 3.785-megawatt peak power capacity ang solar panel system na kayang suplayan ang 11% ng annual energy consumption ng mall.

Katumbas din ito ng pagpapagana sa 44 na escalators at lahat ng ilaw ng mall hanggang dalawa’t kalahating taon.

At ang maganda pa rito, nakatutulong ito sa pagbabawas ng carbon dioxide emission sa atmosphere.

ADVERTISEMENT

Umaasa ang naturang mall na pagsapit ng 2040 tuluyan nang mababawasan ng malaki ang kanilang total carbon footprint.