Walang bilateral meeting na magaganap sa pagitan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at kay U.S. Pres. Donald Trump o maging kay Chinese Pres. Xi Jinping sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation APEC leaders’ meeting sa South Korea ngayong linggo.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Asec. Angelica Escalon, walang nakatakdang meeting si pbbm sa dalawang pinuno.
Aniya, para sa mga isyung pang-ekonomiya ang APEC forum tulad ng trade, investment, at sustainable development kaya hindi tinatalakay ang mga political at security issues tulad ng sigalot sa West Philippine Sea.
Inaasahang namang magkikita sina Trump at Xi sa sidelines ng APEC ang kanilang unang harapan mula pa noong 2019.
ADVERTISEMENT
Nauna nang nakipagpulong si Marcos kay Trump sa washington noong July ukol sa tariff issues at kay Xi noong January 2023 ukol sa West Philippine Sea.



