Binatikos ng National Maritime Council ang pagdedeklara ng China na gawing “nature reserve” ang Bajo de Masinloc o Scarborough shoal.
Ayon kay NMC spokesperson Alexander Lopez, iligal at walang basehan dahil nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang nasabing shoal habang nasa mahigit 500 nautical miles ang layo sa Hainan province ang pinakamalapit na teritoryo ng China.
Naghahain na ng diplomatic protest ang Pilipinas pero ipagpapatuloy pa rin ang maritime patrols sa kabila ng posibleng pangha-harass ng China.
Babala pa ni Lopez posibleng gawing daan ito para hadlangan ang mga Pilipinong mangingisda, gawing patrol area, at mahigpit na bantayan Scarborough.
ADVERTISEMENT
Giit pa ni Lopez, tanging Pilipinas lamang ang may karapatang maging tagapangalaga ng kapaligiran sa nasabing karagatan.



