Piggatan bridge sa Alcala, Cagayan bumagsak; 7, sugatan

📅  |  ✏️ Updated

Panibagong problema sa imprastraktura—isa na namang tulay ang kumpirmadong bumagsak ngayong Lunes ng hapon October 6.

Sa paunang impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office hindi bababa sa pitong indibidwal ang nasugatan nang gumuho ang tulay kasabay ng tumatawid ng tatlong trailer trucks.

Dinala na ang mga biktima sa ospital.

Hindi na magagamit ang tulay kung kayat nag-deploy na ang lokalidad ng task force na magmamando ng trapiko para sa mga motoristang kailangan dumaan sa alternatibong ruta.

ADVERTISEMENT

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.