Niyanig ng 7.6 na lindol ang Japan, ngunit wala namang tsunami threats na naitala, ayon sa PHIVOLCS sa Pilipinas.
Nag-simula ang lindol sa epicenter nito sa Hokkaido, Japan, bandang 11:15 p.m. oras sa Japan, kung saan 90,000 residente ang inilikas, lalo na sa mga malalapit na baybayin bunsod ng mga malalaking tsunami sa kanilang bansa.
Nakabantay naman ang PHIVOLCS at ayon sa kanilang tala mula 10:15 p.m. kagabi, walang banta ng tsunami ang maaaring pumasok sa karagatan at baybayin ng Pilipinas. (Austin Gonzaga/News Light)



