Samantala, nilinaw naman ng PHIVOLCS na hindi kunektado ang pag-aalburuto ng bulkang Taal madaling araw ng Miyerkules sa Batangas sa nangyari namang pagyanig ng lindol gabi ng Martes na tumama sa probinsya ng Cebu at mga karatig na isla sa Visayas.
Ayon kay State Volcanology Director Dr. Teresito Bacolcol, normal ang pagputok ng Taal ngayong patuloy pa rin itong nakataas sa alert level 1.
Inaasahan aniya na patuloy itong aktibo ngayon dahil sa madalas na pagbuga nito ng abo anumang oras sa ilalim ng alert status nito.
Base sa ulat, dalawang beses pumutok ang Taal pasado 2 a.m. Wala namang naitatalang apektadong residente sa naturang probinsya.



