Phivolcs, nagbabala ukol sa pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Taal | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Kasalukuyang binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad sa Bulkang Taal matapos maobserbahan ang “increased seismic activity” nito.

Sa isang panayam, binanggit ni Dr. Teresito Bacolcol, director ng Phivolcs, na naganap ang kaparehong pagyanig noong Hulyo 6 kung saan matapos ang labing-isang araw ay nagkaroon ng phreatic eruption ang bulkan.

Nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Taal at nakapagtala na ng limang volcanic tremors mula kahapon.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng ahensya kaninang alas-dose, nagbabala ito sa posibleng biglaang pagputok ng steam mula sa bulkan, karagdagang volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pagbuga ng nakakalasong gas.

ADVERTISEMENT

Pinag-iingat ang publiko at pinapaiwas maging sa fake news ukol sa Bulkang Taal at iba pang bulkan sa bansa.