Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo tungkol sa posibilidad ng steam-driven o minor phreatic eruption sa Bulkang Taal.
Ayon sa ahensya, napansin nila ang pagtaas ng seismic energy sa paligid ng bulkan, kahit na wala namang nakikitang gas emissions sa kasalukuyan.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at iwasan ang paglapit sa main crater area bilang pag-iingat.