
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level warning sa apat na bulkan sa bansa ngayong umaga.
Una na diyan ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon na nagkaroon ng pagsabog at naglabas ng makapal na usok kaninang 4:36 A.M.
Kapwa nasa Alert Level 1 naman ang Bulkang Taal sa Batangas at Bulkang Mayon sa Albay.
Ang Bulkang Kanlaon naman sa Negros Occidental ay nananatiling aktibo at nakataas sa Alert Level 3.



