Makakatapat ng Philippine Men’s National Football Team ang Thailand sa simula ng darating na ASEAN Hyundai Cup 2026 sa Agosto.
Napabilang sa Group B at nagkataon sa isang draw ceremony na isa sa mga makakalaban ng Pilipinas ay ang national football team ng Thailand.
Para sa mga football fans, isa itong rematch para sa dalawang koponan dahil nagkatagpo rin ito noong 2024 sa Rizal Memorial Stadium, kung saan nanalo ang Pilipinas.
Marami ding dapat subaybayan sa ASEAN Hyundai Cup 2026 dahil makakalaban rin ng Pilipinas ang Laos, Myanmar, at Malaysia, na magsisimula sa July 24 hanggang August 26 ngayong taon. (Austin Gonzaga/News Light)



