Philippine Navy, iginiit na mas lumala ang puwersahang mga hakbang ng China sa West Philippine Sea | News Light

📅

Iniulat ng Philippine Navy na mas tumindi at lumala ang mga “coercive actions” o puwersahang hakbang at pangha-harass ng China sa West Philippine Sea noong Enero 2025.

Ayon sa assessment ng Navy na ibinahagi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mas naging madalas, mas malapit, at mas organisado ang presensiya ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa loob at paligid ng West Philippine Sea, kasama na ang mga bahaging sakop ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Noong 2024, limitado at paisa-isa lamang ang galaw ng PLAN, habang ang China Coast Guard ang nangunguna sa pangha-harass sa mga sasakyang-dagat ng Pilipinas.

Binanggit din sa ulat ang pagdami ng joint sails at shadowing operations ng PLAN at China Coast Guard (CCG) na umano’y nagpapakita ng mas mahigpit na koordinasyon upang pataasin ang tensyon kung kinakailangan.

ADVERTISEMENT

Itinanggi naman ng Embahada ng China ang ulat ng Philippine Navy.

Taong 2016 nang paboran ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas at pinawalang-bisa ang malawak na pag-aangkin ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.