Philippine Bible Society, namahagi ng mga bibliya sa isang flag ceremony sa Malabon City | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Namahagi ng New Testament Bible sa isang flag ceremony ng LGU ng Malabon City ang Philippine Bible Society (PBS).

Nabigyan ang mga empleyado ng City Hall ng mga Bibliya, at nagbahagi ng mensahe si Vice Mayor Edward Nolasco kung saan, ayon sa kanya, nakatulong sa kanyang pagiging isa sa mga lider ng lungsod ang Salita ng Diyos.

Isa lamang ang Malabon City sa mga sinuyod ng PBS upang mamahagi ng mga Bibliya ngayong National Bible Month.

Samantala, inilabas na rin ng PBS ang tema at mga maaaring gamitin na poster ng mga simbahan ngayong National Bible Month.

Ito ay tinawag na: “God’s Word Brings L.I.F.E. (Love, Integrity, Faith, Engagement) to Our Hearts and to Our Homes.”

ADVERTISEMENT

Makikita ito sa Facebook page ng Philippine Bible Society at maaari itong lagyan ng church logo upang manghikayat ng kongregasyon sa mga aktibidad ng simbahan ngayong National Bible Month.

Ibinahagi rin ng PBS ang ilang activities na puwedeng gawin sa Bible Month, katulad ng Bible quiz bee, outreach program, creative workshops, daily Bible reading challenges, at iba pa.

Bilang Kristiyanong Pilipino, makibahagi sa paghahayag ng Salita ng Diyos ngayong National Bible Month! (Austin Gonzaga/News Light)