Sasagutin ng Philhealth ang hospital expenses ng mga nakaligtas sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu province.
Inutos ni Health chief Ted Herbosa na libreng ipa-cover ang gamutan ng mga biktima hindi lang sa mga governmentt hospital kundi pati sa private institutions.
Katulad ito ng ginawa matapos ang supertyphoon Yolanda noong 2013.
Samantala, inanunsyo ng Social Security System o SSS na maaari nang mag-apply ng calamity loan ang mga apektadong miyembro simula October 2.
ADVERTISEMENT
Nasa P20,000 ang maaaring mautang sa mas mababang interest rate na seven percent kada taon.
Ayon kay SSS Pres. Robert de Claro, mas pinadali na ang proseso kaya diretsahang mai-credit sa bank account ng miyembro ang loan kapag na-aprubahan.



