PH student-athletes, humakot ng medalya sa ASEAN School Games 2025 sa Brunei | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Matagumpay na nagtapos sa ika-14 na ASEAN School Games sa Brunei ang delegasyon ng Pilipinas matapos makuha ang ika-apat na puwesto mula Nobyembre 20 hanggang 28.

Nakapag-uwi ang Team Philippines ng kabuuang 43 medalya—11 gold, 10 silver, at 22 bronze—mula sa anim na sports, kabilang ang athletics, pencak silat, swimming, badminton, basketball, at wushu.

Ipinahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang kanyang pasasalamat, binigyang-diin ang disiplina at tapang na ipinakita ng mga atleta bilang inspirasyon upang higit pang palakasin ang school sports program.

Huling nakapuwesto sa ika-apat ang Pilipinas noong 2014 nang maging host ang bansa sa Marikina City.

ADVERTISEMENT

Congratulations at mabuhay ang atletang Pinoy!