Pinangungunahan nina World Soft Tennis Championships veterans Bien Zoleta at Joseph Arcilla ang Philippine team na lalahok sa Poland Cup mula July 4 hanggang 9.
Ang koponan ay pamumunuan ni head coach Michael Enriquez, kasama ang mga assistant coaches na sina Josephine Paguyo, Wenifredo De Leon, at Mark Anthony Alcoseba.
Ang Poland Cup ay bahagi ng paghahanda ng team para sa Asian Championships sa South Korea sa Setyembre.
Matatandaang wagi ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa 2023 Cambodia SEA Games, kabilang ang tagumpay nina Arcilla, Zoleta, at Catindig.