Muling iginiit ng Philippine Navy na paalisin na sa West Philippine Sea ang mga pwersa ng Tsina.
Sa press briefing sa Fort Bonifacio, binigyang-diin ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang Chinese Communist Party, PLA Navy, Coast Guard, at Maritime militia ang tunay na “foreign interferer” sa ating karagatan.
Ito’y tugon sa pagsasabi ng Chinese embassy na huwag magpasok ng “external forces” sa South China Sea dispute kasunod ng pagtibay ng PH-EU ties laban sa paninikil ng Tsina.
Giit ni Trinidad, ang mga iligal na gawain at panloloko ng Tsina ang sanhi ng gulo sa West Philippine Sea.