Nanawagan ang Philippine Embassy sa Thailand sa mga Pilipinong naninirahan malapit sa Thai-Cambodian border na magdoble-ingat kasunod ng naiulat na armadong sagupaan sa ilang lugar.
Ayon sa advisory nitong Lunes, hinikayat ang mga Pilipino sa Ubon Ratchathani, Si Sa Ket, Surin, Sa Kaeo, Buri Ram, Chanthaburi, at Trat na mahigpit na sundin ang direktiba ng mga lokal na awtoridad, kabilang na ang posibleng mga utos ng paglikas.
Paalala rin ng embahada na manatiling alerto, unahin ang kaligtasan, at agad i-report sa kanila ang lokasyon ng bawat Pilipino habang patuloy na binabantayan ang sitwasyon.
Pinayuhan din ang publiko na iwasan muna ang pagbiyahe sa mga apektadong probinsya hanggang sa humupa ang tensyon.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ng embahada ang kanilang kahandaan na tumulong at nagbigay ng mga emergency hotline para sa gabay at agarang assistance.



