Ginawaran ng special recognition ang Mindanao-based documentary film na “Beneath the Badge” sa katatapos lamang na Dhaka International Film Festival sa Bangladesh.
Nilikha ni Davao-based journalist at filmmaker Editha Z. Caduaya ang “Beneath the Badge” o “Sa Likod ng Tsapa,” isang biographical documentary tungkol sa buhay at serbisyo ni Police Colonel Hansel Marantan.
Ipinakita sa dokumentaryo ang sakripisyo, karanasan, at pagsisikap ng mga babae at lalaking uniformed personnel sa bansa.
Bukod sa special recognition, kasama ang dokumentaryo sa Women in Cinema section ng film festival na nagbibigay-pagkilala sa mga babaeng filmmaker sa buong mundo.
ADVERTISEMENT
Giit ni Caduaya, isang karangalan at responsibilidad ang natanggap na pagkilala para sa kanya at sa kanyang pelikula.
Ang Dhaka International Film Festival ay isa sa longest-running at respetadong film festival sa Katimugang Asya at kilala sa pagkilala sa independent cinema at sa mga socially relevant na pelikula.



