Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ng negosyanteng si Cassandra Li Ong na kuwestyunin ang kasong qualified human trafficking na inihain laban sa kanya at mahigit singkwentang iba pa.
Kaugnay ito ng isinagawang raid sa Lucky South 99 pogo sa Porac, Pampanga noong 2023.
Ayon sa Court of Appeals walang merito o halaga ang petition for certiorari ni Ong dahil hindi siya nagsumite muna ng motion for reconsideration sa DOJ na siyang dapat unang hakbang batay sa panuntunan.
Giit ng Korte, ang apela at reconsideration ang mabilis at akmang remedyo pero haka-haka lang ni Ong ang paniniwala na walang silbi ang kaso sa kanya.
Hindi rin nakumbinsi ang korte sa alegasyon ni Ong na may kinikilingan si Justice Secretary Remulla.
Dahil dito, tuluyan nang ibinasura ng CA ang kaniyang petisyon.