Nireschedule bukas, Martes, December 2 ng Senado ang period of amendments sa proposed 2026 budget.
Ito’y matapos na magkasunog sa ikatlong palapag ng Senado nitong linggo.
Paliwanag ng kapulungan, kinailangan nila munang inspeksyunin ang mga pasilidad nito.
Gayundin ang electrical wirings para matiyak ang kaligtasan ng kawani nito.
Pinatitiyak din ni Senate President Tito Sotto ang agarang pagsasagawa ng safety measures.



