Bumida muli ang pelikulang Pilipino matapos magwagi sa international film festival.
Nakamit ng pelikulang Filipiñana ang World Cinema Dramatic Special Jury Award for Creative Vision sa katatapos lamang na 2026 Sundance Film Festival.
Nilikha ni Rafael Manuel ang Filipiñana, na tungkol sa isang batang babae na si Isabel at ang pagtatrabaho nito bilang “tee-girl” sa isang elite country club.
Sa kanyang pagkamangha kay Dr. Palanca, ang presidente ng country club, makikita niya ang katotohanan at kasaysayan na nakatago sa ganda ng lugar.
ADVERTISEMENT
Bukod sa Sundance Film Festival, napili rin ang pelikula para sa 76th Berlin International Film Festival.
Pagbati para sa lahat ng bumuo ng pelikulang Filipiñana!



